Ika 5 ng Nobyembre,
taong 2017, ito ang gabi ng pagdiriwang sa ika-13 anibersaryo ng grupo ng mga
kababaihan sa Madrid – Asociación Mujeres Filipina de Madrid na mas lalong
kilala sa tawag na AMFIL.
Ito
rin ang gabi ng pagpapakilala at pagtatalaga sa tungkulin ng mga bagong halal
na opisyales ng grupo. Sila ang mga kababaihan na may angking talino,
sipag at kakayahan na mamuno ng isang comunidad. Sila ay nanumpa sa
kanilang tungkulin harap ni Consul General Emmanuel Fernandez. Ang mga bagong
halal ay pinangungunahan ng kanilang pangulo na si Renelda Ramal Ceniza, Vice
President: Ms. Ofelia Santos Racoma, Secretary: Julyn Betiwan Rodriguez,
Treasurer: Erlinda Ramos Ramos, Directors of Committees- Education: Rebecca
Sadang Palanca, Economics: Lory Porras Larios, Culture and Sports: Juliana
Mangeron Gecalao, Social: Violeta Abutin Manalo.
Ang
mga panauhing pandangal sa gabing ito ay pinangungunahan ni Vice Consul Mr.
Ralf Roldan, na siyang nagbigay ng mensahe sa ngalan ng Ambasador ng Filipinas
sa España na si Philippe Lhuillier. Pinasalamatan niya ang grupo ng AMFIL sa
malaking kontribusiyon sa mga Gawain ng embajada at sa buong kuminidad ng mga
Filipino sa Madrid. Kasma sa mga panauhin ay sina Rev.
Fr. Remigio Domino, SVD at Rev. Fr. Mark Angelo Martinez Ramos, SVD, Labour
Attache Joan Lourdes Lavilla, Director Warren Miclat of the Financial
Management Service of the Department of Labor and Employment, Jomari Rifareal,
Labor and Employment Officer of the International Labor Affairs Bureau of the
DOLE, Dr. Carmen (Menci) Molina, Atty. Chona Abiertas
Tenorio at Sir Avenger Mariñas.
Nagsidalo, nakisaya at naghandog ng mga sayaw at awit ang iba’t ibang grupo ng
mga Filipino sa Madrid na lalong nagpatingkad sa pagdiriwang at nagdulot ng
saya sa lahat.
Ang gabing ito ay hindi lamang gabi ng pagsasaya. Maituturing din itong gabi ng pagkakaisa.
Iba’t iba man ang wika, iba’t iba man ang grupo, matanda man o bata, kalalakihan man o kababaihan, ang lahat ay samasamang sumuporta, nagsaya at nakipagdiwang sa ika 13 anibersaryo ng AMFIL.
MABUHAY ANG AMFIL!
MABUHAY ANG FILIPINO COMMUNITY!
Rebie Estibal Lacsamana
x